Powered By Blogger

Biyernes, Abril 13, 2012

Alay Lakad 2012 (White Cross, Antipolo)



Eto ang first time kong mag Alay Lakad. Dati, akala ko ok na ang mag kulong sa bahay, manood ng TV, magpuntang simbahan at tumahimik buong araw kapag Holy Week. Pero ewan ko ba this year parang gusto ko ng kakaiba at memorable na Holy Week.

At nung April 5 ay nagleave ako para magpenitensya. Nung Thursday morning ay nag punta ako ng St. Pio Chapel para gunitain ang Maundy Thursday. Marami ding tao nun at nakita ko pa si Mrs Imelda Marcos. After ng mass sa St Pio ay umuwi ako sa bahay para mag- Facebook at matulog para ihanda ang sarili ko sa nakakahingal at nakakapagod na Alay Lakad.

Mga 5:30pm ay naghanda na kami ng gf ko ng mga dapat dalhin papuntang Antipolo. Ito ang laman ng backpack ko:

-          San Marino chilli corned tuna
-          San Marino corned tuna
-          Sandwich palaman Cheez Whiz
-          Mineral Water
-          Exta shirt para samin
-          Extra towel
-          Sako
-          Powder
-          Pabango
-          Mouthwash
-          Deodorant
-          Sanitary Balm

Iksaktong 6:30pm na nung umalis kami sa bahay. Pagdating namin ng Ortigas Extension ay mangilan-ngilan pa lang ang naglalakad at meron paring jeep at kotse sa highway. Nakakatuwa rin na may mga member ng fraternities at volunteer sa barangay na nagbibigay ng libreng tubig. Madami ding streetfoods na nagkalat sa paligid. May nagbebenta din ng tsinelas, abaniko, towels at kung anu-ano pa.

Nag stop over kami sa Ever para mag jingle at tuloy na ulit sa paglalakad. 7:55pm na kami nakarating sa Junction. Dito ay nagsisimula ng dumami ang mga tao. Tumigil muna kami dito ni gf saglit, para hintayin pa ang ibang mga dabarkads namin. Saktong 9pm na nung dumating ang iba pa naming mga kasama. Siguro mga lagpas bente kaming naglalakad. Sa mga oras na ito ay wala na halos sasakyan na dumadaan sa highway. Unti-unti na ring sumisikip ang daan dahil sa daming deboto na naglalaan ng oras para gunitain ang araw na ito. 

Nagumpisa na ang mahirap na daan papuntang Antipolo paglagpas ng overpass. Siksikan na at kailangan naming mag hahawak-hawak para di mawala ang isa't isa. Pataas na ang daan at kahit sobrang lawak pa ng highway eh wala ng huhulugan ng karayom dahil sa dami ng tao.

May mga kasama din kaming nawala kaya’t kailangan hintayin namin sa isang place at saka itutuloy ang paglalakad. Tagaktak na ang pawis ko at bawat hakbang ay masakit na din sa hita. Pero nung nakita ko ang ibang deboto na naka paa habang naglalakad, mas ginanahan pa ako.

Nagpahinga kami sa Evergreen Subdivision sa Antipolo para mag recharge. Kinain na naming ang dala naming sandwhich at shinare sa iba pa. Ganun din naman ang ginawa ng iba pa naming mga kasama. Habang nasa Evergreen ay nahihilo na ako at nanginginig sa pagod, buti na lang may sanitary balm. Nilagay ko na ito sa ulo at sa ilong ko para maginhawaan. Pagktapos, ay tinuloy na namin ang paglalakad, 2am na ng marating namin ang White Cross. May entrance fee dito na 5php each at bawal ding magdala ng matutulis na bagay tulad ng kutsara, tinidor, gunting at kung anu ano pa. May inspector na nagchecheck ng baggage kaya beware sa mga may balak mag Alay Lakad next year.

Sobrang puno na ng mga tao sa White Cross ng mga oras na to. Umakyat kami hanggang sa natungtong na nga namin ang tuktok ng bundok. Hirap ding dumaan dahil ang iba ay ayaw ng magpadaan. Pinilit na lang naming ipagkasya ang mga sarili namin sa maliit na space para kahit nakaupo ay pwede na rin. Sa awa ng Diyos ay nakahanap na din kami ng pwe-pwestuhan. Nilatag na namin ang mga sako, banig at newspaper para lahat ay makapagpahinga na. Kumain din kami ng adobo at pritong itlog with sardinas. Hindi na halos ako makakain dahil sa pagod at sa sakit ng ulo ko. Kung sabagay sanitary balm lang katapat niyan ok nanaman.

Natulog na kami at kinaumagahan ay pinanood namin ni gf ang sunrise. Sobrang ganda pala ng view sa umaga. Kita ko ang buong Antipolo, nung oras na yun para akong nasa heaven kasi sulit lahat ng pagod. Sulit lahat ng pawis, sakit ng ulo, sakit ng paa at lahat lahat pa. Nasabi ko sa sarili ko, ito pala ang mukha ng Grotto – berde, malamig, tahimik, simple, masaya. Para kang dinuduyan at hinehele ng Inang Kalikasan.

Di ko to makakalimutan, ngayon naiintindihan ko na kung bakit maraming gustong mag Alay Lakad. Kung bakit kahit matanda na ay naglalakad at walang reklamong namamanata. Isang araw lang kasi ito, para ibahagi at ilaan sa Kanya ang oras, pagod, puso at isipan mo. Kaya sayo Bro, salamat sa pagligtas samin. Salamat sa blessings, salamat sa lahat, salamat kasi nakita ko ang Grotto, na palaging magpapaliwanag sakin na sa dulo ng mahaba at mahirap na paglalakbay ay kaligayahan na papawi ng ano mang lumbay.

Biyernes, Marso 30, 2012

La Vista Pansol Calamba, Laguna



Mga tropa sorry matagal nasundan itong blog ko, kasi naman dami rin pinagkakaabalahan.So guys eto umpisahan ko na mga kwento sa inyo.

Sa La Vista Pansol namin napagdesisyunang mag team building. Kaya namin napili ito ay dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

- Hot spring sa Laguna kaya ok na ok sa overnight hindi ganun kalamig.
- Meron kaming ka team na dating nag trabaho sa resort so siyempre may discount kami. Hehe.

Last March 15, 2012 ay hindi na nga nagpaawat ang team namin at dumeretso na sa Laguna after shift. Labing apat kaming sumakay sa van from Pasig deretso sa Calamba, Laguna. Medyo mahaba ang aming nilakbay, umabot din ito ng dalawang oras at kalahati (Take Note: walang traffic nung oras na to).

Marami kaming dinaanang private pools papunta sa La Vista. So marami kayong pagpipilian at pwede nyo rin i-compare ang mga rates, facilities at amenities nila.

Pagdating namin ay may maliit na signage na La Vista Pansol, wish ko lang lakihan nila yung signage kasi first impression last. Madilim pag pasok, pero meron naman silang napakalawak na reception area. Good thing pa ay wifi zone sila so ilan sa mga team mates ko ang nagFB gamit ang kani-kanilang cellphone.

At after ma settle kung saang cottage kami. Dumeretso na kami sa nirecommend na cottage ng ka team ko, at ito ay ang "Cottage with Private Pool". Sampu ang pwede dito. Ilan sa amin ang magkatabi na lang sa isang bed kasi nga 14 kami. Ang maganda sa aming cottage ay may sariling pool, comfort room, shower room, sariling ihawan, may tables at chairs, limang double deck at videoke.

Pasintabi: Ang videoke po ay hindi unlimited 5php per song siya.

Sa gabing ito ay puro lang swimming ang inatupag ko. Ang iba nagiinuman  at meron ding mangilan ngilan na malalakas ang loob na kumanta sa videoke.

Kinaumagahan ay tinour ko ang resort kasama ang ilan sa mga team mates ko. Sobrang daming cottage at pools ng La Vista Pansol. Nung umaga ding yon ay may tatlong bus na pumunta sa resort. Kaya grabe talaga, bigatin ang amenities at facilities nila.

-         Wet and Wild Pool
-         Bukal Pool
-         Ilang-ilang Pool
-         Golden Shower Pool
-         Animal Zoo (25php per head)
-         Zipline (150php per head)
-         Conference Rooms (100pax to 500pax)
-         Function Hall (1000pax)

Pumunta kaming Animal Zoo, at sobra kong nasulit yung 25php. Nag-enjoy din ang kaisa-isang batang kasama namin. Nakakatuwa ang La Vista dahil kinukupkop nila yung mga animals na minaltrato and sobrang ok na inaalagan nila ng mabuti ang mga ito.

Next stop na ginawa namin ay ang breath-taking na Zipline. Susmaryosep, eto na ang pinaka extreme adventure na ginawa ko so far. Nung una akala ko wala lang to, kayang kaya to, ngunit nung umakyat na kami, ayun na sobrang nerbyos, pawis at pagtatanong sa aming mga sarili kung bakit kami magzi zipline. 50 feet ito at 20 seconds kang nasa ere. Hay naku, kahit na natatakot at nanginginig ang tuhod ko ay nagawa ko namang ma experience ang zipline. Katakot pero pag nasubukan mo na ay parang gusto mo pang i-challenge sarili mo sa iba pang extreme sports and adventure.

Pagkatapos nito, ay nag swimming na kami sa Wet and Wild Pool. Marami ding tao dahil weekend na. Nagtake kami ng pictures at sobrang inenjoy naming ang Hot Spring ng La Vista. Masaya ang buong team dahil nakapagunwind kami at marami rin kaming nagawa besides swimming. So sa mga gusto ng unlimited fun at extreme sports ngayong summer, punta na kayong La Vista Pansol. Malapit na, enjoy ka pa.

Ito naman ang ilan sa mga suggestions ko para mas marami pang pumunta sa La Vista, gandahan yung daanan papunta sa mga cottages, pools at iba pa. Parang ok siguro na maglagay ng maliliit na pebbles or stones sa side ng dadaanan para hindi boring siyang tignan. Saka ayusin din yung papuntang Wet and Wild Pool kasi medyo madamo po. Hehe konting tabas sa damo at design pa siguro. Sobra kasing lawak ng place na parang ang dami dami pang pwedeng ilagay at idecorate so wish ko mapaganda pa lalo ang La Vista Resort.

For more details about La Vista Pansol please click on this link:

Huwebes, Mayo 26, 2011

Villa Diaz Resort

Matagal na akong naghahanap ng affordable na resort sa internet, halos nga isang buwan na akong naghahanap kay Google. Ayaw ko ng malalayong resorts madalas kasi ay 2 days lang off ko at mahirap din makapag apply ng leave sa work. So ang talagang swak sa akin ay mga resorts near Manila.


Then ayun nga, halos isang buwan ko ng kinukulit gf ko na mag swimming kami. Hindi ko kasi masyado na enjoy ang month ng April puro trabaho at pag babayad ng mga utang inatupag ko. At hindi nga talaga ako nag paawat, ayaw kong matapos ang May na walang napupuntahang swimming pool.


Kahapon lang eh bigla bigla kaming pumunta sa Villa Diaz Resort. Bumili ng sabon, shampoo at iba pang toiletries tapos nag prepare na din kami ng white tshirt at garterized na short. And then ayun were off na sa San Mateo. As in dalawa lang kami dahil malabo minsan yayain ang mga kaberks at minsan no budget din sila. So kami na lang dalawa.


Direction:
From Sta Lucia= sumakay ng San Mateo at bumaba sa Patiis Road, pagbaba magtricycle na color white dederetso na ito sa resort


From Fairview= sumakay ng Maly sa Philcoa at bumaba sa Patiis Road, tumawid at sumakay ng tric na color white dederetso na ito sa resort.


Medyo nakakatakot ang daan kasi lubak tapos madilim pero super lamig kasi nga gabi kami pumunta. Habang nasa tric ay nagtitinginan kami ng gf ko at napapangiti. Sobrang happy kasi ako magkasama kami kaya naenjoy ko na rin ang moment namin sa loob ng tric.

Pagbaba namin ng tricycle sobrang tahimik sa entrance. Medyo madilim kaya suggestion lang,(sana mas madaming ilaw sa entrance para di mukhang dull lalo na pag gabi). Lalakad pa kami ng onti then nasa front desk na. Nagbayad na sa entrance tapos sa cottage. 


 Rates:
          Daytime: (7:30 am to 5:30pm)  Adults: 100php, Child: 75php
          Nightime/Overnight:  (7:30pm to 5:30am) Adults: 120php, Child: 100php


Cottages:
         Umbrella: 200php (8pax)
         Super Umbrella: 300php (15pax)
         Nipa Hut: 400php (12pax)
         Tent: 600php (madami dito, basta madami)   


Naghanap na lang kami ng katabing cottage na mukhang mababait yung kasama namin and ayun nirefer kami ni manong sa tabi ng cottage ng mga teachers mukhang ok na dun kaya sa tabi nila kami pumuwesto. Alam  ko namang reliable at di naman siguro pagiinteresan pipityuging gamit ko kung sakaling iwan namin ni gf. (Another suggestion lang ulit sana may locker kasi meron ding magjowa lang na naiisipang mag swimming at walang magbabantay ng gamit nila). Take Note: hindi lang kami ang magjowa dun may kapareho din kami ng trip nung gabing yon.


So ayun nag-shower kami tapos nag-swimming ng walang hanggan. Medyo madaming tao kasi nga weekend. Tapos nung sobrang tagal ko na sa swimming pool bigla akong nangangati. Deretso ako kaagad sa shower. Mukha atang matapang yung chlorine nila pero ok na din kasi me and my gf had a blast kahit di ito yung dream trip namin eh thankful na din kami kasi nakapag unwind. Hindi man somewhere far pero parang nasa malayong lugar ka na din. Malamig at tahimik.

I will recommend this place dun sa mga gusto ng barkada or family gathering. Pang masa yung resort kaya naman sobrang affordable dito. Malapit lang sa Manila so swak na swak sa time and budget. Kaya enjoy the summer dabarkads. Happy tripping sa lahat.